CONTINUATION....
Parang walang nagbago sa kanya. Kung ano siya noon ay ganoon parin siya ngayon. Late na Naman.
" Nasaan ba kasi ang laboratory gown mo?"
Tanong ni Elite sa kanya.
" Naiwan ko ata sa amin or sa jeep." Napakamot nalang siya ng ulo.
" Late ka na nga naiiiwan mo pa ang mga gamit mo sa kung saan."
Si Vienna.
" Hindi ka na talaga nagbago. Kung hindi ka nakakaiwan ikaw ang nang-iiwan." Parinig ni Powder sa kanya.
" Sorry na nga diba. May importante lang talaga akong lakad ng araw na iyon at hindi ko pwedeng hindi puntahan."
" Okey, tinatanggap na anmin ang sorry mo. Do we have another choice friend ka namin."
" Thanks, girls. I love you talaga. Mwah."
Mabuti nalang at may dalang lab gown ang kaibigan niya sa ibang seksyon or else patay talaga siya. Mababa pa namn ang grade niya sa chemistry dahil ayaw niya sa guro nila.
Kaya lang, tulad ng dati sinusundan na naman siya ng malas dahil muntik na siyang matapunan ng chemicals. Ilang pulgade nalang at talagang mapapaso na siya.
" Ano bang nangyayari sayo Praia? Napapansin naming wala ka sa sarili mo lately."
" Hoy, Praia. Nakikinig ka ba?" Untag nina Powder at Vienna.
" Ha? May sinasabi kayo?"
" Sabi na nga ba! Saan ba yang utak mo nakadestino?"
" Sa amerika!"
Wala sa sariling sagot niya. She is helpless and totally out of her mind!
" AY, SUS.. baka kay ZAM."
Biglang binalot ng lungkot ang puso niya sa pangalang narinig. She had always seen him in the school campus lately pero iba na ang kausap at kinukulit nito. Hindi na nga ito nag-dare na lumapit sa kanya or pansinin man lang siya. Kahit Hi or hello wala siyang natanggap mula rito.
" Bakit ko naman siya iisipin? Hindi ko siya iniisip at ayokong isipin siya!"
Natulala nalang ang mga ito sa inakto niya,.
" Masyado siyang defensive."
" Oo, nga. Para narin niyang inamin na totoo ang sapantaha natin."
" Helpless. In-love na in di-nial parin."
Sa narinig mula sa mga kaibigan ay napahikbi siya. Totoo naman kasi ang mga sinabi ng mga ito.
" Bakit ka umiiyak diyan?"
Tanong ni Elite.
" Wala!"
" Kasi totoo at guilty ka?"
Mas lalong lumakas ang iyak niya.
" Oo, inaamin ko na may feelings ako sa kanya. Inaamin ko rin na namimiss ko ang pagiging makulit niya at ang atensyong ibinibigay niya sa akin. Pero ano pa ang magagawa ko. Tapos na ang lahat. HINDI ba ito naman ang ginusto ko noong una palang. Nagkatotoo pero hindi ako masaya."
" Totoo na ba yan?" Tanong ni Vienna. pINUNASan niya ang mga luha mula sa mga mata.
" Isipin nyo nalang na hindi ko sinabi ang mga iyon."
" Alam mo, friend. Sabihin mo sa kanya ang feelings mo. Baka sakaling may feelings din pala sayo ang tao." Advise ni Powder. Umiling siya.
" Ayoko. Makakalimutan ko rin naman siguro si Zangreb. Ayokong paasahin ang sarili ko sa bagay na imposibleng makuha ko. Minsan na akong nangarap pero hindi naman natupad."
Nangarap siyang magkaroon ng simpleng pamilya pero parang hindi na matutupad yon.
" What if gusto ka talaga niya tulad ng mga sinasabi niya noon sa madlang pipol?"
" Tama si Elite, Prai." Sang-ayon ni Powder.
" Huwag niyo na akong paasahin. Sumuko na siya right at masaya na siya sa girlfriend niya ngayon, Huwag na natin sialang pakialaman."
Alam niyang may pag-aalinlangan sa utak ng mga kaibigan. Matapang siya sa panlabas pero kung tutuusin sobrang hina niya pagdating sa mga taong espesyal sa aknya.
" AnONG Ginawa mo sa deans office, Prai?"
Salubong ni Powder sa kanya.
" May inutos lang ang principal."
Pinilit niyang pasiglahin ang boses para sa mga kaibigan. Huling linngo na niya sa university na iyon., Sasama siya sa kanyang ate na nagtatrabaho sa america. Keysa mamili sa dalawang magulang mas mabuting sumama nalang siya sa nakakatandang kapatid.
" Ano naman?"
" Confidential, eh. Hindi ko pwedeng sabihin. Nakakainis nga."
" Ay, sayang naman. By the way, sama ka sa get together party ng barkada sa sabado."
" Sa sabado? May lakad ako--"
" Kung hindi ka pupunta talagang hindi ka na namin papansinin."
" Sige na nga. Basta anumang mangyari hindi kayo magagalit sa akin?''
" Depende!"
" Sige, na. Kahit matagal tayong hindi magkikita best friends forever parin tayong apat diba?"
" Ano na naman bang drama yan, Prai? Para kang aalis sa malayo,ah."
" Basta. magpromise ka."
" Sige na nga pramiszzz!"
NAKAHANDA na ang lahat para sa kaniyang pag-alis. Hawak-hawak niya ang ticket at passport niya.
" Anak, talaga bang sasama ka sa ate mo sa america?"
Tanong ng mama niya.
" Oo, mA, pareho ko kayong mahal ni papa. At ayokong mamili sa inyo dahil ayokng may masaktan sa inyo."
" Anak, patwad. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa inyo."
Yumakap siya sa inang luhaan ang mga mata.
" Alam ko,Ma. Kung may next life man. Gusto kong ikaw parin ang maging mama ko."
" Salamat Praia. Mahal na mahal kita anak."
" Mahal din kita Ma."
" Sumulat ka ha."
" Sa email nalang po. Hindi na uso ang sulat."
" Sige na nga."
" PRAIA! alis na tayo."
" Nandiyan na."
Pinilit niyang ngumiti para hindi mapansin ng mga kaibigan ang lungkot dahil sa pag-alis. Ito na ang huling bonding moments nila together.
" Halika na. Dito ka sumakay."
Bago pa man siya maka-alma ay naipwesto na siya ng mga ito sa backseat ng van na may pangdalawahang upuan.
" Sumakay ka na ZAM nakakahiya naman sayo kung hindi ka makakasakay sayo pa namn tong Van."
Napaatras siya ng bigla nalang itinulak ng mga ito si Zangreb sa tabi niya.
" Sige, manong. Alis na tayo."
Kung pwede lang talagang pumatay ng mga kaibigan ay kanina pa niya ginawa. Inilagay siya ng mga ito sa isang alanganing sitwasyon.
" Diyan tayo dumaan kuya,."
Panay turo no Powder ng daan. Samantalang siya ay hindi alam ang gagawin. Gusto niya itong kausapin pero hindi niya kaya. Natatakot siyang baka hindi nito pansinin at baka lalo siyang mapahiya.
Napadaan ang van sa lubak-lubak na daan kaya parang sumasayaw sila sa loob ng van. PARANG nasa isang roller coaster ride ng aksidenting tumama ang ulo niya sa bintana ng van. Sa may ipit pa niya mismo kaya naiyak siya sa sobrang sakit at nasapo ang ulo.
Palihim niyang pinunasan ang luha upang hindi mapansin ng mga ito ang nangyari sa kanya. Mukha rin naman kasing walang nakapansin sa nangyari. Hinintay nalang niyang mapawi ang sakit.
" Ha?" nAgmulat siya ng mata ng may malamig na bagay na dumampi sa bukol niya.
" Masakit pa ba?"
Para siyang idinuyan ng langit ng marinig uli ang boses nito.
" Hindi na."
" Wala bang mas magandang daanan?"
Tanong nito sa mga kaibigan.
" Magandang daanan na ang tatahakin nati pagkatapos ng lubak-lubak na daan na iyon."
Tumango lang ito.
Inalis niya ang kamay nito sa ulo niya.
" Salamat nalang. Hindi na masakit."
Tumango lang ito at hindi na nagsalita pa. okey lang iyon. Hindi naman siya ganid,. Tama na iyong magshow ito ng concernern sa kanya at kausapin siya...
Sana pag-alis niya ay okey na ang lahat.........
----------------------------------TO BE CONTINUED-----------------------------
Tuesday, March 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment