rss
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites

Saturday, March 1, 2008

I HATE TO LOVE YOU part 5

CONTINUATION....

Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang play. Kinakabahan na siya ng husto para bang mahuhulog na ang puso niya sa sobrang kaba.

" Kinakabahan ka?'' Tanong ni Owen.

" Oo,eh."

" Ganyan talaga yan. Maya-maya ay mawawala rin ang kaba mo."

Ipinapakilala ng host ang mga important guest ng play. Ang may-ari ng university na pinapasukan niya. Ang president at mga members ng school council. Pati narin ang nag-iisang anak ng may-ari. Si Zangreb?

Nandoon si Zangreb? Panonoorin siya nito? Bakit bigla siyang na-concious?

Praia relax, wala na kayong ugnayan okey?

Hindi na kasi ito lumalapit at nakikipag-usap sa kanya. Kahit na ang totoo ay nami-miss na niya ang kakulitan nito at ang palaging pagsunod-sunod nito sa kanya. Totoo nga ang sinabi ng mga kaibigan the wish she made, nagkatotoo. Pero hindi naman siya masaya.

Sa gilid ng mga mata ay napansin niya ang babaing kausap nito. Ang sweet sweet ng dalawa. The girl is beatiful, cute at may class mukha din itong mabait at palangiti. Unlike her! They are a total opposite.

" Wue, diba si papa pogi 'yon?"

" Saan?"

kunwari ay tanong niya,.

" Ay, may kasamang babae?"

" Baka girl friend niya. Bagay sila."

Gusto niyang palakpakan ang sarili para kasing napakadaling sabihin ng bagay na yon kahit na ang totoo ay tila may kung anong init sa loob ng kanyang dibdib at parang gustong-gusto na niyang umiyak.

" Hindi ka nag-seselos?"

" Selos? Ako? Why should I?"

Liar! Yeah! she is jealous pero bakit?

" Ako nagseselos."

" Hayaan mo na siya. Napakataas niya para abutin ng isang hamak na taong tulad natin. Anak siya ng may-ari ng university."

" Sabagay. Pero nothing is impossible in this world baka akala mo. Buwan nga naabot na ng tao."

Ngumiti lang siya. Itinago niya ang kanyang damdamin sa ngiting yon.

The play started as it planned to be. Kahit na hindi maiiwasang mapadako ang tingin niya kay ZAM ay pinilit na lamang niya ang sariling hindi ito pansinin. Para kasing hinihiwa ang puso niya.

Ng nasa eksena na sila kung saan papatayin niya ang kanyang sarili ay naisip niyang tototohanin ang lahat... uy! joke lang! hindi naman siya ganon kabaliw para kitlin ang sariling buhay para lang sa isang lalaki. May malakin pa siyang problema bukod doon.

iSAng masigabong palakpakan ang naani nila mula sa manonood. nAGustuhan ng mga ito ang performance nila.




INABALA niya ang sarili sa pagsali sa nga club ng university kung noon ayaw niya ng magulong buhay sa kanyang college life ay tila nagbago ang pasya niya. Sa dami ng kanyang mga problema ay kailangan niya ng maraming distraction.

" Praia, may balak ka bang mamatay ng maaga?"

Sumungaw mula sa opisina ng math club ang kaibigan na si Elite.

" Elite ikaw pala. Long time no see!"

" Ano ba ang ginagawa mo at super busy ka"

" Powder, kumusta na?"

" aT pati ako nandito." Pumasok na rin si Vienna.

Minsan na lang silang magkasama-sama dahil sa dami ng gawain niya.

" Anong ginagawa ninyo dito?"

'' Iniinvite ka ni Kiev sa birthday niya. Kain lang daw tayo sa labas."

" Busy kasi ako-"

" Praia, take a break. Mas gusto namin ang kaibigang buhay keysa patay!"

Napakamot nalang siya ng ulo.

" Sige, sasama na ako pero pwede bang magdala ng trabaho?"

Napabuntong hininga ang mga ito.

" Okey, payag na kami. Basta nandoon ang presensya mo kahit ang layo ng isip mo sa amin."

Yinakap niya ang tatlo.

" Thank you friend. I love you."

'' May choice pa ba kami? Sige na nga we love you narin."



Hindi naman niya inaasahan na ang party na iyon ay parang impyerno sa kanya. With ZAM around parang hindi siya makahinga. Pinapakapal ng presensya nito ang hangin at parang maso-soffucate siya. Mabuti nalang at may dalang siyang trabaho at kahit papaano ay nakakalimutan niya ang presensya nito.

" Praia, kumain ka muna." Ibinigay ni Vienna sa kanya ang plato na may lamang pagkain.

" Mamaya na. Tatapusin ko lang muna 'to."

Katabi lang ni Vienna si Zam kayhindi niya maiiwasang hindi matapunan ng tingin. Base sa reaction nito ay parang sinasabi nitong wala itong pakialam sa kanya. Nasaktan siya pero hindi naman siya nagpahalata.

Sanay narin naman siya ng nasasaktan ng mga taong itinuturing niyang malapit sa kanya.

" Pinapatay mo naman iyang sarili mo."

'' Hindi naman ako baliw para gawin yon,."

Dala ang mga gamit ay nag-excuse muna siya papuntang restroom. Sa loob ng cubicle ay hindi niya maiwasang hindi mapa-iyak.

" Bakit ngayon ko pa siya natutunang mahalin? Kung kailan huli na ang lahat."

Inis niyang bulong sa sarili. With the tears on her eyes ay hindi na niya kayang humarap pa sa mga ito. Kaya naisipan nalang niyang umuwi, di bale ng ,agalit ang mga kaibigan ang importante ay hindi siya masaktan. Selfish na kung selfish, akala kasi niya akya niya ang mga pasakit na dumating sa buhay niya pero dito palang ay sumusuko na siya.

Ng makasakay na siya ng sasakyan and she is half away from the place ay saka niya tinawagan si Elite.

" Nasaan ka na naman ba?"

Inis nitong tanong.

" Uuwi muna ako Elite. Mkhang lalagnatin ako magpapahinga muna ako. Pki sabi nalang kay Kiev happy birthday.'"

" Hindi ka amn lang nagpaalam."

" Sorry, bye!"

Ini-off na niya ang phone.

sana naman matapos na ang lahat ng pasakit sa buhay niya.

Akala lang niya 'yon!

" BAKIT KA PA BUMALIK?"

Boses yon ng kanyang ina.

" Kukunin ko ang anak ko!"

At ang papa niya. Nag-aaway na naman!

" Akin lang si Praia! Kaya ko siyang buhayin kahit wala ang tulong mo!"

"Ako ang magpapalaki sa kanya!"

Hindi na siya nabahala pa sa awway ng dalawa. Sanay na siya sa ganitong eksena.

" Ayoko."

" Mah-usap nalang tayo sa korte!''

" Sige, mag-usap tayo sa korte dahil sigurado ako na ako ang kakampihan ng husgado."

Natahimik ang ama. Tama naman ang ina niya, ang ama niya ang nang-iwan sa kanila. Sumaa ito sa ibang babae.

" Gagawin ko ang lahat mapasakin lang ang legal rights sa anak ko."

Hindi na siya nakatiis pa. Sawa na rin siya na pinag-aagawa siya ng mga magulang. Gusto lang naman niya ng simpleng buhay tulad ng mga akibigan na kompleto ang mga magulang. Masama ba na humingi ng simpleng buhay?

" Ano ba? Hindi ba kayo tatahimik? Sawa na ako sa away niyo.!"

" Praia kanina ka pa ba diyan?"

" Oo, kung pag-aagawan niyo lang pala ako pwes wala akong sasamahan sa inyo. Ayoko ng isa lang ang pamilya ko. May intama naman ako pero bakit kailangan ko pang mamili.? Dahil wala akong pipiliin sa inyong dalawa. Mas mabuti pang mamuhay ng mag-isa!"

Luhaan ang mga mata ng lumabas siya ng bahay at nagpunta sa park. Doon siya apalging umiiyak kapag may mga problema siya.

Ano ba namang buhay 'to? Sawi na nga ako sa pag-ibig pati ba naman sa pamilya.

All she want is a simple life, pero bakit pang-teleserye ang buhay niya?

Dinaan nalang niya sa iyak ang lahat ng problemang nararanasan niya. How she wish may karaamy siya sa mga oras na ganito.

Someone to make her happy....

Ang hindi niya alam sa di kalayuan ay pares ng mga matang nakatingin sa kanya at gustong-gusto na siyang lapitan at kausapin...

-------------------------TO BE CONTINUE-----------------------------------

0 comments: