rss
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites

Tuesday, March 18, 2008

Pajo National High School classmates....


Heto ang aking mga ever dearest classmates last year and the previous years..(2007). Kahit na kulang ang mga yan, para naring complete. Hindi narin kasi magkasya sa frame...hehehe
Pajo National High School batch 2007:; IV-A




kAHIT ala ako dito, parang nandito narin kahit wala naman talaga....hehehehe...



Wala parin ako diyan.,

Ala parin ako dyan, hahahahahahaha!!!!!!!!!!!

-----Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita ng mga classmates ko. Yong iba nakikita ko kasi schoolmates ko sila sa university na pinasukan ko ngayon. Pero yong iba, hindi ko na alam!!! huhuhuhu... hanggang balita nalang ako sa kanila.., friends... see you in the near future!!!

Monday, March 17, 2008

I HATE TO LOVE YOU... PART 8... the end!!

continuation..............................


" BAKIT hindi ka nagpaalam sa mga kaibigan mo?"
Tanong ng ate niya, nakasakay na sila sa taxi at papunta na sila sa airport ng mga sandaling yon.

" Ayoko ate. Baka masundan nila ako at baka hindi matuloy ang pag-alis ko."

" You look so sad. Tell ma nga sis, is their someone special?'
Hindi ng asiya pwedeng magsinungaling sa kapatid.

" Wala ate."

" Tumanggi ka pa. Sis, Tell me nalang the truth. Malalaman ko rin naman yan. Walang kwenta ang pagiging psychiatrist ko if maging kapatid ko hindi ko mapapansing may ibang nararamdaman.''

" Ate---"

" Princess Aiana!" Napabuntong hininga nalang siya.

" Yeah, their is someone special."

" Tell ma, sino?"

" Kasi---"

" Huwag mo nga akong bitinin. Now, tell me the lucky guy."

Batid niyang excited itong malaman kung sino ang tinutukoy niya.

" His name is Zangreb Arielle Martinez."

Napasinghap ito, mukhang may alam ito tungkol sa lalaking tinutukoy.

" The son of the owner of the university?"

" Oo, paano mo siya nakilala?"

" Syempre naman 'no. Kilala ko siya, his cousin is your future brother in law."
Natameme yata siya doon ah. May mas shocking pa palang balita bukod sa pag-alis niya ng hindi nagpapaalam sa mga kaibigan.

" Bakit ngayon mo lang sinabi na may boyfriend ka na pala?"

" Alangan naman, hindi nyo nga tinanong. Now, tell me everything about this guy."

" Kailangan pa ba?"

" Syempre naman 'no!"

" Kasi, ganito yon. The day we met is the most malas day of my life. Muntik na akong ma-late. Muntik narin akong masagasaan ng kotse nila and then muntik na akong hindi makapasa sa test namin. Akala ko tapos na ang malas ko ng araw na yon. But he came, noong hapon ding yon. He told everybody that he like me and he has this plan of courting me. I hate him for making me feel so helpless na para bang kawang gawa ang ginagawang panliligaw niya sa akin. Until I realized that I also like him narin pala. Pero huli na ang lahat, I wished na sana umalis na siya sa buhay ko and he did. Umalis na nga siya sa buhay ko kung kailan ko nalaman na mahal ko na pala siya."

Hindi parin niya mapigilan ang sariling hindi mapaiyak. Sana mabago pa niya ang nakaraan...

" Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang feelings mo?"

" Ate, huli na ang lahat."

" Hindi pa tayo nakakaalis--"

" No, ate. May girlfriend na siya. Mas may class sa akin. At ayokong manggulo ng buhay. Tama na yong naranasan kong guluhinang buhay ko. Ayokong mandamay ng iba.''

" Bilib na sana ako sayo, Sis. Kaso super martyr mo. Alam mo bang pinapatay na sa luneta ang mga martyr?''

" Basta. Aalis ako for good."

" Iiwas ka lang naman sa mga problema mo.''
Tama nga ito. Aalis siya para umiwas sa mga problema.

Nagring ang cellphone niya. Si Powder,..

" Hello, Pow. Napatawag ka?''

Tahimik lang ito sa kabilang linya. Bigla siyang kinabahan.

" Why?"

" Ha?"

" Bakit ganyan ka?"

Nasa boses nito ang panunumbat.

" Anong bakit?"

" I thought we were friends?"

" Oo, nga."

" Friends dont leave each other clueless. Bakit umalis ka ng hindi nagpapaalam?"

Sabi na nga ba!

" Sinong may sabi?"

" Huwag ka nang gumawa ng lies. nASA bahay mo kami. Kung hindi pa pala kami kinutuban na baka may masamang mangyari sayo hindi pa namin malalaman na aalis ka na?"

Sumabat narin si Elite.

" Elite, Pow--"

" Ang sama mo! Hindi ka man lang nagpaliwanag kung bakit ka umalis. Sana ay kahit papaano ay nakapagpaalam kami sayo."

" Vienna--"

" Kaya pala Praia. Sana sinabihan mo kami sa mga problema mo. Kaibigan mo naman kami diba? Payag naman kami kung sakaling aalis ka pero bakit hindi mo sinabi?"

" I did.." Aniya sa mababang boses." SAlamat sa friendship na ishinare niyo sa akin. I really appreciate it. Salamat sa mag alaala. Sana pagbalik ko friends parin tayo. I am doing it for good."

" Hindi yan for good. You were just trying to escape from your problems."

Pare-pareho nalang ang sinasabi ng mga ito sa kanya at lahat sila tama.

" I'm sorry"

" You must be sorry. Papunta na kami sa airport. Hintayin mo kami."

" Hindi na kayo aabot."

Inihinto na ng driver ang taxi sa mismong entrance ng airport.

" Ilang minuto mula ngayon aalis na ako. Good bye, mamimiss ko kayo. Huwag niyo akong i-block sa friendster accounts niyo, ha."

Iyon lang at ini-off na niya ang cellphone.

" Praia, napaka-rude mo sa mga kaibigan mo."

" I have to."

Kinuha nila ang kanyang mga gamit at pumasok na sa loob ng airport. Ilang steps nalang at nasa eroplano na siya na pagdadalhan sa kanya sa ibang bansa.




NAKA-UPO pa sila sa may waiting area. Hinihintay nial ang last call. Umaasa parin kasi siyang maaabutan pa siya ng mga kaibigan kahit na impossible ng mangyari yon.

" Praia, last call na."

Kinuha niya ang mga maleta at nagsimula ng maglakad. Muli ay lumingon siya.

" Siguro hindi rin siya pupunta. Hindi rin naman kasi niya alam."
Tinutukoy niya si Zangreb.

'' PRAIA!!!!"

Muli siyang napalingon ng marinig ang mga pamilyar na boses na yon. Ang mga kaibigan niya at ang mga nobyo ng mga ito. At ang humahangos ding si Zangreb.

" Papaanong?" Hindi niya alam kung bakit ang bilis nakarating ng mga ito.

" Sige na Zam, sabihin mo na sa kanya ang mga gusto mong sabihin."

Panunulak ng mga kaibigan niya.

Lumapit ito sa kanya, sa sobrang lapit kahit isang metro pa lang ang layo ay nahihirapan na siyang huminga. Her heart is betraying her again.

" Praia, I'm sorry" Anito.

" Sorry for what?"

" Akala ko, kayo kong hindi kita pansinin but I'm wrong. Natatakot akong kapag nalaman mo ang true feelings ko ay hindi mo ako paniwalaan.''

" Ano ba yang mga pinagsasabi mo?"

" Makinig ka muna! Huwag kang magsalita hanngat hindi pa ako tapos."

"Al right. Hi, Zanreb,I'm prai's sister. I'll also listen to you. Tingnan natin kung papasa ak ba sa akin."

Nagsimula na itong magsalita.

" The day I first met you is the most luckiest day of my life. I was kinda bored that time."

SEE...Tama nga siya. Kaso ang pinakamalas na araw niya ay ang pinaka swerte daw nito.

" Kahit mukha kang witch ng araw na yon ay nakuha mo parin ang atensyon ko. You are not my type of girl. Yet, you are the only one my heart beats in. Sound so corny right but it is all true,. I fell in love with you the first time I lay my eyes on you.

Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero you made me believe in it. Kaya nga ginawa ko ang lahat para sundan ka. Kahit na maging animo stalker na ako. But you dont want to see me. I'm hurt. Ikaw ang kauna-unahang babaeng napagbalingan ko ng aking atensyon but you broke my heart. Kaya naisip kong hindi ka nalang gambalain. Hindi ko alam na nasasktan na pala kita sa ginawa ko. That night when I saw you cry gusto kitang yakapin at patahanin pero natatakot ako. I dont want to see you cry.
Kaya nga para mapasaya ka, I organized yesterday's get-together-party. Balak ko sanang humingi ng twad and tell everything I should have tell you. Kahit na ma-basted man ako. I dont care.

When you kissed me, accidentally, akala ko ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. And thought I have all the time to tell you what I really feel kahit na hindi pa ako sigurado sa damdamin mo sakin.

Then, I read that letter. Nagulat ako, Hindi ko alam kong matutuwa o maiinis. Natakot akong baka umalis ka at tuluyan ko ng hindi masabi sayo ang damdamin ko. Hindi kami galing sa bahay niyo. kaya mabilis kaming nakarating dito.

Princess Aiana, Mahal kita! Maniwala ka man o sa hindi pero mahal kita.!"


" It is the most romantic proposal I've seen. Sige sis, sagutin mo na siya.''

Hindi niya mapigilan nag hindi mapaiyak. THis guy, How dare this guy tell everyone that he love her?

" Zangreb Arielle, I hate you" Aniya. Nakita niya ang pagbakas ng sakit sa mata nito at pagkadismaya sa mukha ng mga kaibigan." Totoo yon. I hate you! I hate you because you have given me every chances of happiness. I hate you because you are the first guy who make me cry. I hete you because you kissed me and i dont even hate it. I hate you, kasi masaya ako sa mga panggugulo mo sa buhay ko.

AND I HATE YOU BECAUSE YOU ARE MAKING ME GUILTY everytime I did something bad to you.
I HATE YOU FOR MAKING ME FALL FOR YOU...
and most of all I HATE TO LOVE YOU"

nArinig niya ang palakpakan ng mga tao sa airport, Lumapit ito sa kanya and hug her. A hug that is full of love, respect and understanding.

" Thank you for accepting me. Sisiguraduhin kong hindi ka na mag-iisa."

Lumapit narin ang mga kaibigan sa kanila.

" So, hindi ka na aalis?" Tanong ni Vienna.

" Zangreb, magaglit ka ba kung aalis ako?"

" I'll respect your decisions."

" Bakit ka pa aalis?" Tanong ni Elite.

" I have to. Dalawang taon lang naman. Kailangan ko parin ayusin ang buhay ko. Kailangan ko pang buuin ang pamilya ko. Alam kong hindi madali pero susubukan ko.''

Natahimik ang mga ito. Zam cup her face.

" Ngayong alam ko ng mahal mo ako. Sigurado na akong babalikan mo ako. Naiintindihan kia. Hindi kita pipigilan kung gusto mo mang umalis basta ipangako mong hindi ka titingin sa ibang lalaki doon."

Napangiti siya.

" Hindi ako magpapramis, dahil imposibleng hindi ko sila tingnan, lalaki ang tito ko at may mga amerikanong teachers ako doon,. Isa lang ang sigurado ko, hindi ka mapapalitan dito sa puso ko."

" Aasahan ko yan. AT asahan mo ring yan ang gagawin ko."

AKALA NIYA AY MALAS NA SIYA.
PERO HINDI PA PALA.
SHE FOUND HER PLACE.
THE LUCKIEST PLACE.
SHE FOUND HER HEART
SA LOOB NG PUSO NI ZANGREB........
the guy SHE HATE TO LOVE........

------------------------------the END----------------------------------

Thursday, March 13, 2008

I HATE TO LOVE YOU part 7

continuation..........


Sa isang lumang mansyon na pag-aari ng lolo ni Powder sila nagpunta. Kahit luma na iyon ay mahahalata mo parin ang ganda ng lugar at ng buong paligid. Antique kung baga!

" Halina kayo. Naghanda ang lola ko ng masarap na pananghalian."
Yaya ni Powder. Tumingin-tingin muna siya sa paligid. Ang balak niya ang magpahuling
pumasok. Gusto niya munang idikit sa alaala ang pinakahuling lugar na napuntahan niya kasama ang mga kaibigan at ang lalaking noon ay ayaw niya ngunit tinitibok na ng puso niya ngayon.

" Kung may balak kang tumakas, huwag mo nang balakin pa. Mahihirapan kang makaalis."

Para yatang inilipad ang kanyang kaluluwa ng marinig ang boses ni Zangreb na nasa tabi niya ngayon. Nanlalamig ang kanyang mga palad at ang lakas ng tibok ng puso niya.

" W-wala akong balak na umalis. Wala akong balak tumakas sa ngayon."

Aniya. Hindi siya nagpahalata na sobrang kaba ang naramdaman niya tuwing katabi ito. Ganito ba ang love? Hindi ka mapakali kapag kasama mo ang mahal mo?

" Good. Pumasok ka na." Utos nito. Kung noon pa nito ginawa ang pang-uutos nito malamang noon parin niya ito nabigyan ng upper cut.

" Hindi na. Dito muna ako."

Natatakot siyang tingnan ang mga mata nito. ahaindi na siyakasing tapang ng dati,. Dahil siguro nahihiya na siya rito. Naiilang...

" Pumasok ka na. Kumain muna tayo."

" Busog pa ako."

" Bakit ba ang tigas ng ulo mo."

" Sa---"

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila papasok ng bahay. Nakatingin siya sa magkasugpong nilang mga kamay. She could feel the invisible current running to her skin at the moment.

" Teyka lang. Sige papasok na ako." Aniya ng makabawi na sa kabiglaan.

" ano ba nag ginawa niyo sa labas at ang tagal ninyo?"

Nasa tinig ng kaibigan ang panunukso. Nakatingin ang mga ito sa magkasukbong kamay nila. Agad naman niya iyong binawi at nag-iwas ng tingin.

" Kumaion na nga lang tayo."

Masaya ang naging huling salu-salo nya sa mga kaibigan. Kahit na may pagkakataong naiilang siyang magsalita dahil kay Zangreb.

" Pagkatapos nito ay magtruth and consequence tayo sa veranda."

Bigla siyang kinabahan sa planonina Powder. Mukhang alam na rin niya ang patutunguhan ng binabalak ng tatlo.

" Hindi na ako sasali.''

" Ay, hindi yan pwede Praia. Sasali ka sa ayaw at sa gusto mo."

" Pero, Elite naman. Alam niyo naman na ayaw ko ng mga ganyan diba.?"

" Napaka-masekreto mo kasing tao kaya natatakot kang malaman namin ang totoo."

May alam naaba ang mga ito sa pag-alis niya patungo sa america?

" Wala akong tinatago." Tanggi niya at muling ibinalik ang pansin sa pagkain.

" Owwws,... Panunukso ng mga ito."

" Sa inis niya ay binato niya ang isang maliit na bayabas sa mga kaibigan. Sapol ito sa ulo at sa halip na mainis ay tumawa pa ang mga ito.

" Guilty!" Kantyaw ng mga ito.

" Hindi!"

" Natatawa si ZAM!" Pansin ni Vienna sa katabi. Gusto niya itong tingnan pero ayaw naman niya na masabihan na feeling close.

" Okey lang ba sayo na magtruth at consequence ZAM?"

" Its no harm at all. Okey lang it is just for fun."

" See! Payag si ZAM. Kill joy ka talaga Praia, tatanda kami ng maaga ng dahil sayong babae ka."

She just stuck out her tongue para mainis ito.

" Hayan, payag na si Praia."

Napailing nalang siya. Sa ayaw niya at sa hindi ay mapipilitan talaga siyang sumali. Okey lang yon. Pipilitin nalang niyang hindimabuko ang mga sekreto.



NATULOY nga ang plano ng mga kaibigan. Nasa veranda na nga sila. Dahil ng asa hindi naman siya interesadong sumali kaya nakaupolang siya sa rocking chair habang nakikinigngmusic mula sa hiniram ng MP3 ni Vienna.

" Unfair, praia, Dito ka sa sahig!"

" Dito nalang ako. Tawagin niyo lang ang pansin ko kapag ako ang tinapatan ng bote."

Nagsalita pa ito kaya lang ay linakasan niya ang volume nito kaya hindi niya nari8nig ang anumang sinabi ng kaibigan.

Ipinikit niya ang mga mata at doon isa-isang pinili ang mga magagandang pangyayari sa buhay niya sa bansang kanyang sinilangan. Mula ng bata pa siya kung saan kasama niya ang mga magulang at kapatid. Mula ng makilala niya ang mga kaibigan. Noong sabay silang nag-elementary. Ang mga kalokohan nila noon. Noong maghigh school sila at tumakas mula sa school doctor nila kasi takot sila sa injection. Ang mga masasayang sandali nila na puro biruan ayt tawanan lang. Wala apng problema. Noong ligawan si Vieena, nG Magkaboyfriend na siElite. At ng muntik ng lukuhin ni Kiev ang kaibigan nilang si Powder na halos gilitan na nila ito ng leeg. Noong makilala niya si Zangreb. The day he told everyone that he like her. Ang mga palagi nitong pagbuntot sa kanya saan man siya magpunta. Ang paghintay nito sa kanya uma-umaga.

Tapos, inisa-isa naman niya ang mga malungkot na abhagi ng kanyang buhay. Noong mamatay ang alga niyang isda na si carpy na halos isang oras din niyang nilamayan kasi kinain ng alaga niyangpusa. Aday after namatay naman ang alaga niyang pusa na si spot na mukhang aso dahil nalason. Ang paghihiwalay ng parents nila. Ang pag-alis ng kapatid patungong states. Ang palaging pag-aaway ng mga magulang. Ang naging away nila noon ng mga kaibigan ng dahil lang sa pare-pareho sila ng mga crush. Ang pag-alis ni Zam sa buhay niya. Ang malamig nitong pakikitungo sa kanya. At ang pag-alis niya bukas. Ang pag-iwan niya sa mga mahal niya sa buhay. At ang pag-iwan niya sa isang pag-ibig na nasawi.

" May gagawin lang ako.'' When she open her eyes,. She saw Zangreb standing in front of her.
Tinaggal niya ang pagkakasak-sak ng earphone sa teynga niya.

"Yes?" Tanong niya.

" Consequence lang."

Hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Naramdaman lang niya ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang pisngi.

" What the--"

Narinig niya ang palakpakan at hiyawan ng mgakaibigan sa nangyari. Mukhang alam na niya ang consequence nito, to kiss her!

" Hayan, tapos na!"

" Ano ba yang pinagagawa niyo?"
Inis niyang tanong. Hindi kasi niya mawari kung ano ang dapat na ikikilos ng isang babae kapag nakuha na niya ang kanyang first kiss sa checks...

" It is a part of the game."

Paliwanag ni Vienna.

" BAHALA NA NGA KAYO.!"
Muli niyang ininalik sa teynga ang headphone.

Nasa isip pari niya ang halik na iyon.

" O! Praia, ikaw na."

" Truth nalang!"
May isasagot na siya sa magiging tanong nito kung saka-sakali.

" Who is your first love?"

Nakatawa si Elite habang tanong yon.

" Kilala niyo na siya since elementary diba;"

Napasimangotito sa naging sagot niya.

" Specify,iyong bago."

" Wala namang bago."

" Pangalanan mo."

" Ang dami namang demand. Sana apla ay nag-consequence nalang ako."

"Ang dami namang reklamo. Sagutin nalang kasi ng deritso ang tanong."

" Okey, I'll answer. Ang crush ko? Si Mr.Bean."

Aniya saka tumawa ng malakas. Ang lakas din kasi talaga niyang mang-asar.

" Wala na talaga yang pag-asa Elit. Huwag na tayong umasa na matatauhan pa yan."

" Tama ka, Vie. Baliw na talaga yan." sAng-ayon ni Powder.

Hindi narin siya nagkomento pa.

Nagpatuloy ang laro ng mga ito. Nakikinig rin siya minsan kapag pangit ang kanta. Nakikitawa narin sya.

Nakatingin lang siya sa papalubog na araw.

" Mas maganda talaga ang paglubog ng araw sa Pinas kaysa ibang bansa." Bulong niya sa sarili.

" Praia, ikaw na uli."

Tawag ni Elite sa pansin niya.

" Ha? Ah, consequence nalang ako."

Nagsimula na ng dumilim ang buomg paligid. Mukhang nag-eenjoy ang mga ito sa laro. Ilang minuto nalang ay uuwi na sila. Matatapos na ang maligayang sandali niya kasama ang mga kaibigan.

" Sige, consequence."

Nag-isip ang mga ito ng maaaring maging consequence niya.

" We have a very nice consequence for you to make my dear friend."
Nakingiting wika ni Elite.

" Promise us na dapat ay gagawin mo ito ng walang reklamo."

" Ano ba yan? Payag ako lahat wag lang ang pumatay ng tao."

Nagpalak-pakan ang mga ito.

" Okey, Kiss Zam."

"Hah?"

Na-ogg guard yata siya sa utos ng mga ito sa kanya.

" Sabi mo hindi ka mag-rereklamo. Sa checks lang naman."

" Deal!"

Sa checks lang naman... at least may remebrance siya bago siya umalis.
Tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ni Zangreb. Umuklo siya upang abutin ang pisngi nito. kAhit kinakabahan ay linakasan niya ang kanyang loob.

" Look fire works.!" Dahil sasinabi ni Powder ay sa halip na sa [isngi lang ay sa mismong labi nito dumampi ang kanyang mga labi. Kasabay ng pagputok ng mga fireworks sa buong paligid. Ang magandang kulay at ang magandang ambience ang nagbigay ng napakaganda at romantic na palagid para sa kanyang first kiss.

Mabilis sa alas dose ang ginawa niyang pag-iwas sa namumulang pasngi.

" Sorry"

Maging ito ay nagulat sa bilis ng mga pangyayari. Hindi lang sila pati narin ang mga kaibigan.

" Excuse me."

Paalam niya. Nagpunta siya sa van at doon inalis ang kaba sa dibdib. Hindi na siya umallis doon. Nagkulong siya sa van. Nahihiya siya sa nangyari.

May nakita siyang isang piraso ng papel at ball pen sa may drivers seat. Isinulat niya roon ang lahat ng nararamdan.

Zangreb, salamat sa lahat ng mga masasayang alaala na i-shinare mko sa akin at sa mg afriends ko. Sa kabila ng ideyang napakayaman mo still nagawa mong bumaba sa peestal para mapalapit sa amin. Youtold me you like me at hindi ko pinaniwalaan iyon,. Alam mo ba kung bakit? Dahil natatakot akong mahalin ka dahil mukhang hindi ka namn talaga seryuso ng sabihin mo yon. I thought it was just a joke. Ayokong matulad sa parents ko na naghiwalay lang. Natatakot akong muling masaktan. Pero ng handa na kitang tanggapin sa buhay ko saka mo naman ipinakita sa akin kung ano ang posisyon ko sa buhay mo. sA tingin ko hindi ko nga hindi tayo bagay na maging magkaibigan. Ayokong magkaroon ng kaibigan na mahal ko. Dahil natatakot akong hindi ka amkalimutan.
Kaya nga aalis na ako. Hindi ito alam ng mga kaibigan ko. At wala akong balak na ipaalam sayo kasi alam ko namang hindi karin interesado. Aalis ako pupunta ako sa amerika bukas. Salamat sa lahat. Sana .....

Hindi na niya natapos ang sulat kasi dumating na ang mga kaibigan,. Mukhang naisip narin ngmga ito na umuwi na sa wakas. Mabilis niyang tiniklop ang papel at itatapon na sana kaya lang natatakot siyang may makapulot ng sulat kaya itinago nalang niya yon sa ilalim ng upuan. Mababasa man nito ang sulat siguradong nakaalis na siya...


HINTAYIN ANG KATAPUSAN NG KWENTO...
matutuloy kaya ang pag-alis ni Praia?
Mapipigilan kaya ng mga kaibigan niya ang kanytang pag-alis?
HINTAYIN ANG KAKAIBANG KATAPUSAN!!!!!!

--------------------------TO BE CONTINUED-------------------------------------

Wednesday, March 12, 2008

BS BIOLOGY I-X CNU; CHRISTMAS PARTY




This is the picture we have taken from our christmas party last december 21 sa villa asela cordova cebu.

Kasama ako sa picture na 'to. Hanapin niyo lang ako...hehehehe....

Medyo late na nga ito kung tutuusin pero at least may remebrance kami sa nangyari sa aming so much fun last christmas party. Bilang mga First year students ng Cebu Normal University sa Kursong BS Biology.... talagang ini-explore namin ang kalikasa... seee... kahit saan nalang kami napupupunta ng hindi namin alam!

Tuesday, March 11, 2008

I HATE TO LOVE YOU part 6

CONTINUATION....


Parang walang nagbago sa kanya. Kung ano siya noon ay ganoon parin siya ngayon. Late na Naman.

" Nasaan ba kasi ang laboratory gown mo?"
Tanong ni Elite sa kanya.

" Naiwan ko ata sa amin or sa jeep." Napakamot nalang siya ng ulo.

" Late ka na nga naiiiwan mo pa ang mga gamit mo sa kung saan."
Si Vienna.

" Hindi ka na talaga nagbago. Kung hindi ka nakakaiwan ikaw ang nang-iiwan." Parinig ni Powder sa kanya.

" Sorry na nga diba. May importante lang talaga akong lakad ng araw na iyon at hindi ko pwedeng hindi puntahan."

" Okey, tinatanggap na anmin ang sorry mo. Do we have another choice friend ka namin."

" Thanks, girls. I love you talaga. Mwah."

Mabuti nalang at may dalang lab gown ang kaibigan niya sa ibang seksyon or else patay talaga siya. Mababa pa namn ang grade niya sa chemistry dahil ayaw niya sa guro nila.

Kaya lang, tulad ng dati sinusundan na naman siya ng malas dahil muntik na siyang matapunan ng chemicals. Ilang pulgade nalang at talagang mapapaso na siya.

" Ano bang nangyayari sayo Praia? Napapansin naming wala ka sa sarili mo lately."

" Hoy, Praia. Nakikinig ka ba?" Untag nina Powder at Vienna.

" Ha? May sinasabi kayo?"

" Sabi na nga ba! Saan ba yang utak mo nakadestino?"

" Sa amerika!"

Wala sa sariling sagot niya. She is helpless and totally out of her mind!

" AY, SUS.. baka kay ZAM."

Biglang binalot ng lungkot ang puso niya sa pangalang narinig. She had always seen him in the school campus lately pero iba na ang kausap at kinukulit nito. Hindi na nga ito nag-dare na lumapit sa kanya or pansinin man lang siya. Kahit Hi or hello wala siyang natanggap mula rito.

" Bakit ko naman siya iisipin? Hindi ko siya iniisip at ayokong isipin siya!"

Natulala nalang ang mga ito sa inakto niya,.

" Masyado siyang defensive."

" Oo, nga. Para narin niyang inamin na totoo ang sapantaha natin."

" Helpless. In-love na in di-nial parin."

Sa narinig mula sa mga kaibigan ay napahikbi siya. Totoo naman kasi ang mga sinabi ng mga ito.

" Bakit ka umiiyak diyan?"

Tanong ni Elite.

" Wala!"

" Kasi totoo at guilty ka?"

Mas lalong lumakas ang iyak niya.

" Oo, inaamin ko na may feelings ako sa kanya. Inaamin ko rin na namimiss ko ang pagiging makulit niya at ang atensyong ibinibigay niya sa akin. Pero ano pa ang magagawa ko. Tapos na ang lahat. HINDI ba ito naman ang ginusto ko noong una palang. Nagkatotoo pero hindi ako masaya."

" Totoo na ba yan?" Tanong ni Vienna. pINUNASan niya ang mga luha mula sa mga mata.

" Isipin nyo nalang na hindi ko sinabi ang mga iyon."

" Alam mo, friend. Sabihin mo sa kanya ang feelings mo. Baka sakaling may feelings din pala sayo ang tao." Advise ni Powder. Umiling siya.

" Ayoko. Makakalimutan ko rin naman siguro si Zangreb. Ayokong paasahin ang sarili ko sa bagay na imposibleng makuha ko. Minsan na akong nangarap pero hindi naman natupad."

Nangarap siyang magkaroon ng simpleng pamilya pero parang hindi na matutupad yon.

" What if gusto ka talaga niya tulad ng mga sinasabi niya noon sa madlang pipol?"

" Tama si Elite, Prai." Sang-ayon ni Powder.

" Huwag niyo na akong paasahin. Sumuko na siya right at masaya na siya sa girlfriend niya ngayon, Huwag na natin sialang pakialaman."

Alam niyang may pag-aalinlangan sa utak ng mga kaibigan. Matapang siya sa panlabas pero kung tutuusin sobrang hina niya pagdating sa mga taong espesyal sa aknya.




" AnONG Ginawa mo sa deans office, Prai?"
Salubong ni Powder sa kanya.

" May inutos lang ang principal."
Pinilit niyang pasiglahin ang boses para sa mga kaibigan. Huling linngo na niya sa university na iyon., Sasama siya sa kanyang ate na nagtatrabaho sa america. Keysa mamili sa dalawang magulang mas mabuting sumama nalang siya sa nakakatandang kapatid.

" Ano naman?"

" Confidential, eh. Hindi ko pwedeng sabihin. Nakakainis nga."

" Ay, sayang naman. By the way, sama ka sa get together party ng barkada sa sabado."

" Sa sabado? May lakad ako--"

" Kung hindi ka pupunta talagang hindi ka na namin papansinin."

" Sige na nga. Basta anumang mangyari hindi kayo magagalit sa akin?''

" Depende!"

" Sige, na. Kahit matagal tayong hindi magkikita best friends forever parin tayong apat diba?"

" Ano na naman bang drama yan, Prai? Para kang aalis sa malayo,ah."

" Basta. magpromise ka."

" Sige na nga pramiszzz!"





NAKAHANDA na ang lahat para sa kaniyang pag-alis. Hawak-hawak niya ang ticket at passport niya.

" Anak, talaga bang sasama ka sa ate mo sa america?"

Tanong ng mama niya.

" Oo, mA, pareho ko kayong mahal ni papa. At ayokong mamili sa inyo dahil ayokng may masaktan sa inyo."

" Anak, patwad. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa inyo."

Yumakap siya sa inang luhaan ang mga mata.

" Alam ko,Ma. Kung may next life man. Gusto kong ikaw parin ang maging mama ko."

" Salamat Praia. Mahal na mahal kita anak."

" Mahal din kita Ma."

" Sumulat ka ha."

" Sa email nalang po. Hindi na uso ang sulat."

" Sige na nga."




" PRAIA! alis na tayo."

" Nandiyan na."

Pinilit niyang ngumiti para hindi mapansin ng mga kaibigan ang lungkot dahil sa pag-alis. Ito na ang huling bonding moments nila together.

" Halika na. Dito ka sumakay."

Bago pa man siya maka-alma ay naipwesto na siya ng mga ito sa backseat ng van na may pangdalawahang upuan.

" Sumakay ka na ZAM nakakahiya naman sayo kung hindi ka makakasakay sayo pa namn tong Van."
Napaatras siya ng bigla nalang itinulak ng mga ito si Zangreb sa tabi niya.

" Sige, manong. Alis na tayo."

Kung pwede lang talagang pumatay ng mga kaibigan ay kanina pa niya ginawa. Inilagay siya ng mga ito sa isang alanganing sitwasyon.

" Diyan tayo dumaan kuya,."
Panay turo no Powder ng daan. Samantalang siya ay hindi alam ang gagawin. Gusto niya itong kausapin pero hindi niya kaya. Natatakot siyang baka hindi nito pansinin at baka lalo siyang mapahiya.

Napadaan ang van sa lubak-lubak na daan kaya parang sumasayaw sila sa loob ng van. PARANG nasa isang roller coaster ride ng aksidenting tumama ang ulo niya sa bintana ng van. Sa may ipit pa niya mismo kaya naiyak siya sa sobrang sakit at nasapo ang ulo.

Palihim niyang pinunasan ang luha upang hindi mapansin ng mga ito ang nangyari sa kanya. Mukha rin naman kasing walang nakapansin sa nangyari. Hinintay nalang niyang mapawi ang sakit.

" Ha?" nAgmulat siya ng mata ng may malamig na bagay na dumampi sa bukol niya.

" Masakit pa ba?"
Para siyang idinuyan ng langit ng marinig uli ang boses nito.

" Hindi na."

" Wala bang mas magandang daanan?"

Tanong nito sa mga kaibigan.

" Magandang daanan na ang tatahakin nati pagkatapos ng lubak-lubak na daan na iyon."
Tumango lang ito.


Inalis niya ang kamay nito sa ulo niya.

" Salamat nalang. Hindi na masakit."

Tumango lang ito at hindi na nagsalita pa. okey lang iyon. Hindi naman siya ganid,. Tama na iyong magshow ito ng concernern sa kanya at kausapin siya...
Sana pag-alis niya ay okey na ang lahat.........

----------------------------------TO BE CONTINUED-----------------------------

Saturday, March 1, 2008

I HATE TO LOVE YOU part 5

CONTINUATION....

Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang play. Kinakabahan na siya ng husto para bang mahuhulog na ang puso niya sa sobrang kaba.

" Kinakabahan ka?'' Tanong ni Owen.

" Oo,eh."

" Ganyan talaga yan. Maya-maya ay mawawala rin ang kaba mo."

Ipinapakilala ng host ang mga important guest ng play. Ang may-ari ng university na pinapasukan niya. Ang president at mga members ng school council. Pati narin ang nag-iisang anak ng may-ari. Si Zangreb?

Nandoon si Zangreb? Panonoorin siya nito? Bakit bigla siyang na-concious?

Praia relax, wala na kayong ugnayan okey?

Hindi na kasi ito lumalapit at nakikipag-usap sa kanya. Kahit na ang totoo ay nami-miss na niya ang kakulitan nito at ang palaging pagsunod-sunod nito sa kanya. Totoo nga ang sinabi ng mga kaibigan the wish she made, nagkatotoo. Pero hindi naman siya masaya.

Sa gilid ng mga mata ay napansin niya ang babaing kausap nito. Ang sweet sweet ng dalawa. The girl is beatiful, cute at may class mukha din itong mabait at palangiti. Unlike her! They are a total opposite.

" Wue, diba si papa pogi 'yon?"

" Saan?"

kunwari ay tanong niya,.

" Ay, may kasamang babae?"

" Baka girl friend niya. Bagay sila."

Gusto niyang palakpakan ang sarili para kasing napakadaling sabihin ng bagay na yon kahit na ang totoo ay tila may kung anong init sa loob ng kanyang dibdib at parang gustong-gusto na niyang umiyak.

" Hindi ka nag-seselos?"

" Selos? Ako? Why should I?"

Liar! Yeah! she is jealous pero bakit?

" Ako nagseselos."

" Hayaan mo na siya. Napakataas niya para abutin ng isang hamak na taong tulad natin. Anak siya ng may-ari ng university."

" Sabagay. Pero nothing is impossible in this world baka akala mo. Buwan nga naabot na ng tao."

Ngumiti lang siya. Itinago niya ang kanyang damdamin sa ngiting yon.

The play started as it planned to be. Kahit na hindi maiiwasang mapadako ang tingin niya kay ZAM ay pinilit na lamang niya ang sariling hindi ito pansinin. Para kasing hinihiwa ang puso niya.

Ng nasa eksena na sila kung saan papatayin niya ang kanyang sarili ay naisip niyang tototohanin ang lahat... uy! joke lang! hindi naman siya ganon kabaliw para kitlin ang sariling buhay para lang sa isang lalaki. May malakin pa siyang problema bukod doon.

iSAng masigabong palakpakan ang naani nila mula sa manonood. nAGustuhan ng mga ito ang performance nila.




INABALA niya ang sarili sa pagsali sa nga club ng university kung noon ayaw niya ng magulong buhay sa kanyang college life ay tila nagbago ang pasya niya. Sa dami ng kanyang mga problema ay kailangan niya ng maraming distraction.

" Praia, may balak ka bang mamatay ng maaga?"

Sumungaw mula sa opisina ng math club ang kaibigan na si Elite.

" Elite ikaw pala. Long time no see!"

" Ano ba ang ginagawa mo at super busy ka"

" Powder, kumusta na?"

" aT pati ako nandito." Pumasok na rin si Vienna.

Minsan na lang silang magkasama-sama dahil sa dami ng gawain niya.

" Anong ginagawa ninyo dito?"

'' Iniinvite ka ni Kiev sa birthday niya. Kain lang daw tayo sa labas."

" Busy kasi ako-"

" Praia, take a break. Mas gusto namin ang kaibigang buhay keysa patay!"

Napakamot nalang siya ng ulo.

" Sige, sasama na ako pero pwede bang magdala ng trabaho?"

Napabuntong hininga ang mga ito.

" Okey, payag na kami. Basta nandoon ang presensya mo kahit ang layo ng isip mo sa amin."

Yinakap niya ang tatlo.

" Thank you friend. I love you."

'' May choice pa ba kami? Sige na nga we love you narin."



Hindi naman niya inaasahan na ang party na iyon ay parang impyerno sa kanya. With ZAM around parang hindi siya makahinga. Pinapakapal ng presensya nito ang hangin at parang maso-soffucate siya. Mabuti nalang at may dalang siyang trabaho at kahit papaano ay nakakalimutan niya ang presensya nito.

" Praia, kumain ka muna." Ibinigay ni Vienna sa kanya ang plato na may lamang pagkain.

" Mamaya na. Tatapusin ko lang muna 'to."

Katabi lang ni Vienna si Zam kayhindi niya maiiwasang hindi matapunan ng tingin. Base sa reaction nito ay parang sinasabi nitong wala itong pakialam sa kanya. Nasaktan siya pero hindi naman siya nagpahalata.

Sanay narin naman siya ng nasasaktan ng mga taong itinuturing niyang malapit sa kanya.

" Pinapatay mo naman iyang sarili mo."

'' Hindi naman ako baliw para gawin yon,."

Dala ang mga gamit ay nag-excuse muna siya papuntang restroom. Sa loob ng cubicle ay hindi niya maiwasang hindi mapa-iyak.

" Bakit ngayon ko pa siya natutunang mahalin? Kung kailan huli na ang lahat."

Inis niyang bulong sa sarili. With the tears on her eyes ay hindi na niya kayang humarap pa sa mga ito. Kaya naisipan nalang niyang umuwi, di bale ng ,agalit ang mga kaibigan ang importante ay hindi siya masaktan. Selfish na kung selfish, akala kasi niya akya niya ang mga pasakit na dumating sa buhay niya pero dito palang ay sumusuko na siya.

Ng makasakay na siya ng sasakyan and she is half away from the place ay saka niya tinawagan si Elite.

" Nasaan ka na naman ba?"

Inis nitong tanong.

" Uuwi muna ako Elite. Mkhang lalagnatin ako magpapahinga muna ako. Pki sabi nalang kay Kiev happy birthday.'"

" Hindi ka amn lang nagpaalam."

" Sorry, bye!"

Ini-off na niya ang phone.

sana naman matapos na ang lahat ng pasakit sa buhay niya.

Akala lang niya 'yon!

" BAKIT KA PA BUMALIK?"

Boses yon ng kanyang ina.

" Kukunin ko ang anak ko!"

At ang papa niya. Nag-aaway na naman!

" Akin lang si Praia! Kaya ko siyang buhayin kahit wala ang tulong mo!"

"Ako ang magpapalaki sa kanya!"

Hindi na siya nabahala pa sa awway ng dalawa. Sanay na siya sa ganitong eksena.

" Ayoko."

" Mah-usap nalang tayo sa korte!''

" Sige, mag-usap tayo sa korte dahil sigurado ako na ako ang kakampihan ng husgado."

Natahimik ang ama. Tama naman ang ina niya, ang ama niya ang nang-iwan sa kanila. Sumaa ito sa ibang babae.

" Gagawin ko ang lahat mapasakin lang ang legal rights sa anak ko."

Hindi na siya nakatiis pa. Sawa na rin siya na pinag-aagawa siya ng mga magulang. Gusto lang naman niya ng simpleng buhay tulad ng mga akibigan na kompleto ang mga magulang. Masama ba na humingi ng simpleng buhay?

" Ano ba? Hindi ba kayo tatahimik? Sawa na ako sa away niyo.!"

" Praia kanina ka pa ba diyan?"

" Oo, kung pag-aagawan niyo lang pala ako pwes wala akong sasamahan sa inyo. Ayoko ng isa lang ang pamilya ko. May intama naman ako pero bakit kailangan ko pang mamili.? Dahil wala akong pipiliin sa inyong dalawa. Mas mabuti pang mamuhay ng mag-isa!"

Luhaan ang mga mata ng lumabas siya ng bahay at nagpunta sa park. Doon siya apalging umiiyak kapag may mga problema siya.

Ano ba namang buhay 'to? Sawi na nga ako sa pag-ibig pati ba naman sa pamilya.

All she want is a simple life, pero bakit pang-teleserye ang buhay niya?

Dinaan nalang niya sa iyak ang lahat ng problemang nararanasan niya. How she wish may karaamy siya sa mga oras na ganito.

Someone to make her happy....

Ang hindi niya alam sa di kalayuan ay pares ng mga matang nakatingin sa kanya at gustong-gusto na siyang lapitan at kausapin...

-------------------------TO BE CONTINUE-----------------------------------

RYOMA ECHIZEN!!! ng prince of tennis

Ryoma Echizen

Graveee! Nababaliw ako sa aknyang ka-cute-tan!
gUYS, this is Ryoma Echizen
my one and only love!