rss
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites

Sunday, February 24, 2008

I HATE TO LOVE YOU part 2!!

continuation.....


kanina pa siya paikot-ikot sa mall kung saan sila magkikitang magkakaibigan.
" Nasaan na kaya ang mga babaing 'yon?" Tanong niya sa kanyang sarili. " Malamang nakalimutan na nila ako at for sure kalandian na naman nila ang mga boyfriends nila. Sabi na nga ba ta hindi ako dapat nagpunta rito." SANA NATULOG NALANG SIYA SA BAHAY NILA ! o Di kaya naman ay maghapong naka-harap sa computer. mas masaya pa yata 'yon keysa magpaligaw sa mall ng mag-isa.
Patuloy siya sa pag-ikot ikot doon hanggang sa mapagod. " Uuwi nalang kaya ako?". Nakapagdesisyon na siyang umuwi ng may tumabi sa kanya. Paglingon niya para i-check kung sino ang naglakas loob na tumabi sa kanya ay bigla namang umurong ang dila niya. Parang pinagpawisan siya ng malagkit at kinabahan bigla.
" Hello!" Nakangiting bati nito.
Then what? Ano bang dapat niyang gawin? Tumakbo?
" Zangreb Arielle,!"
Mga kasama yata nito ang tumatawag rito. Zangreb Arielle? Unique but nice name.!
" Teyka lang. Nakita ko ang crush ko."
Kung naging kaibigan lang talaga niya ito kanina pa niya ito binigyan ng malakas na upper cut.. AY! wag nalang sayang ang face. Sa tadyang nalang.
Pero dahil ayaw ring mapahiya kaya linakasan niya ang loob at tinaasan niya ito ng kilay.
" Pwede ba.! Hindi kita kilala you are disturbing me."
Taray!
" I am Zangreb Arielle Martinez. Nice meeting you."
Ang hudas! hindi ba nito gets na hindi siya interested na makilala ito? AHHMMM...
sige, interesado nga siya pero konting -konti lang.
" Greb, wue, cute pala ang crush mo."
Puri ng lumapit sa kanila na kaibigan rin yata nito.
" Kiev, leave her alone."
Sita nito sa kaibigan.
" Your wish is my command."
Ngingiti-ngiting umiwas ito sa kanila.
Pinameywangan niya ito at inis na hinarap.
" Ano bang kailangan mo sa akin?"
" Sinabi ko na yan kahapon diba.?" Anito.
" wAla,! Wala akong maalala kahapon. Sorry may alzeimers disease ako."
Aniya saka inirapan. sA halip na ito ang mairita sa ipinapakita niyang ugali ay mukhang
vice versa ang nangyari. Paano kasi wala na itong ibang ginawa kundi ang ngitian siya.
" Cute."
"Excuse me?"
" I said you are cute."
" Hindi ako cute. I am a Goddess, a fairy and an angel. I am not cute but beautiful. Understand?"
Kung bakit kumapal ng ganun ang mukha niya hindi niya alam. Isa alang ang alam niya,
para bang komportable siyang kausap ito.
" Yeah,"
Sang-ayon nito. Mas lalo tuloy siyang nairita.
" Diyan ka na nga,"
Itutuloy niya ang plano niyang pag-uwi mas masaya pa yata sa bahay nila keysa sa
lugar na iyon na tahanan ng mga baliw. Pati siya nababaliw na.
" Hey, hindi ko pa alam ang name mo."
Tawag nito sa kanya.
Ang lakas din ng loob nito na isigaw sa buong madla na may gusto ito sa kanya and he
want to go out with her tapos hindi parin pala siya nito kilala.
" Wala! I dont have my name right now."
Pero ng makalayo sa spot na yon ay bigla namang nagbago ang isip niya. Naglakad-
lakad muna siya sa pagbabasakaling makita niya ang mga kaibigan. May nakita siyang
fast food, sa haba kasi ng linakad niya impossibleng hindi siya gutumin.
" Praia!"
Pamilyar sa kanya ang boses na 'yon.
" At last nakita karin namin. Alm mo bang kanina ka pa namin hinahanap."
Inirapan niya si Elite.
" Kanina pa po ako nagpa-ikot ikot sa mall na ito para mahanap lang kayo. Pero ni anino niyo ay hindi ko makita. Sa halip na mga kaibigan ko ang makita ko demonyo ang natagpuan ko."
Nagtaka ang tatlo sa naging lintanya niya,.
" Bakit? Nakita mo ang daddy mo?"
" Powder, kung daddy ko ba ang nakita ko sa tingin mo tatapak pa uli ako sa lugar na ito? Never!". Hindi rin kasi lingid sa mga kaibigan ang nangyari sa pamilya niya.
" Oh my God! Dont tell me nakita mo si cute?"
" Vienna, tumahimik ka nga." Sita niya rito.
" I wanna see him! Nasaan siya?"
" Nasa impyerno. Gusto mong sumama?"
Ibinigay niya rito ang plastic fork.
" Aanhin ko naman 'to?"
" Kainin mo ng pumunta ka na sa hell."
" Selos to death ka naman. Dont worry sayo lang si cute, hindi naman namin siya aagawin. Hayaan mo lang kaming pagnasahan siya paminsan-minsan."
Nagsitanguan naman ang tatlo sa sinabi ni Vienna.
" Pagnasahan niyo siya hanggang sa gusto niyo. I wont mind. At pwede ba, hindi ako nagseselos."
Kulang nalang ay sigawan na niya ang mga ito para mata-uhan.
" Oo, na. Hay, naku! KAYA nga boring iyang life mo you are so serious."
" Kumain na nga lang kayo."
Change topic niya. Napailing nalang ang mga ito.
" Excuse me, miss?" Untag ng waiter sa grupo nila.
" Bakit?" Tanong ni Elite na siyang hindi kumain kasi nagda-diet daw.
May ibinigay ang waiter na isang tissue paper. Nakangiting ipinakita ng Elite ang
papel kina Vienna at Powder.
" Ano 'yan?" Curious na tanong niya.
" wALA 'to. Kumain ka nalang diyan. Hindi para sayo 'to sa amin 'to."
Bakit ba pakiramdam niya ay may nangyayaring hindi niya alam.
Ibinalik rin naman ng mga ito agad ang papel sa waiter.
" Ano ba 'yon?" Tanong ulit niya. PARA KASING HINDi siya mapalagay.
" Someone ask us to tell him your name."
" Ah. Some one ask my name. wHAT?!"
" eASy ka lang, friend. Ibinigay na namin."
Inis niyang hinila ang buhok ni Elite.
" Why did you give my name?" Gusto na niyang maiyak sa sobrang inis.
" Masama ba?"
" Without my permission? Yes!"
May ideya na kasi siya kung sino ang may gawa ng munting krimeng may kinalaman
siya at ang pangalan niya.
At hindi nga siya nagkami. Zangreb's handsome and cute face just appear in front of
them.
" Hi, Princess Aiana. Nice name."
" Ano na naman ang ginagawa mo rito?"
" Sinusundan ka. Masama ba?"
" Hindi pa ba obvious?'"
Umiling ito.
" I told you already that I like you. Kahit anong gawin mong pagtataboy sakin hindi ako aalis sa paningin mo."
It sounds like a sweet promise pero para sa kanya parang iyon na ang katapusan ng
buhay niya.
" Ang sweet mo naman. We are Praia's best best of friends. I'm Elite."
" I am Powder."
" And I am Vienna. And you are?"
" I'm Zangreb Arielle Martinez." Kinamayan pa nito ang tatlong kaibigan.
'' Nice name. May mga kasama ka ba?"
" Kanina meron, ngayon wala na."
" Sumama ka muna sa amin."
" Hindi ba disturbo?"
" Disturbo!"
Siya na ang sumagot.
" Prai! Hindi. Hindi ka disturbo. Hinihintay rin naman kasi namin ang mga boyfriends namin. At kawawa na man kasi itong friend namain. Palaging out of place."
" Talaga?"
Guni-guni lang ba yong nakita niya o talagang may nakita siyang kakaibang kislap sa
mga mata ito.?
" Hahayaan kitang sumama sa amin. Sa isang kondisyon. Wag na wag kang lalapit sa akin."
aniya. Hindi ito sumagot pero sa halip ay ngumiti lang.
" Hayan, kompleto na tayo."
INAASAHAN niyang hindi ito lalapit sa kanya. Pero para yatang nananadiya na ito.
iiwas nga siya pero babanggain naman siya nito and everytime she look at him he will
just smile at her as if he didnt done anything wrong.
" Zangreb, isa nalang at matatamaan ka na sakin."
Banta niya.
" Sige, tamaan mo ako. I wont mind at all."
" Alam niyo. Ang cute niyong dalawa."
Tukso ni Elite na kasama na ang boyfriend nito. Pagkatapos kasi nilang kumain ay
nagpakita narin ang mga kasintahan ng mga kaibigan.
" Talaga?"
Inilabas nito ang isang bago at mamahaling samsung cellphone na may camera.
" Kunan niyo nga kami ng picture?"
Akmang aakbayan siya nito ng umiwas siya.
" Anong gagawin mo?"
" Bagay daw tayo. I want to see it my self."
" Ikaw lang ang bagay. Ako isa akong tao."
Itinulak siya ni Vienna palapit dito. Mabilis naman nitong nahawakan ang kamay
niya and in an instance they already have a picture together.
" Bagay nga tayo." Komento nito.
" Tao sabi ako!"
Nakakainis!
TULALA parin siya hanggang sa makauwi siya sa bahay nila. For the first time
pakiramdam niya y hindi siya na-out of place sa mundo ng mga kaibigan. Meron
na siyang kasama. Kahit na panay ang away niya rito.
---------------------------- TO BE CONTINUED!!!------------------------------------

0 comments: