Ngayon ko lang napatunayan kung gaano nga talaga kahirap ang college!
Gustuhin mo mang bumalik noong nasa elementary ka pa hindi mo naman magawa.
Tapos, aalahanin ang high school life.
Kay sarap rin namang alalahanin ang mga sandaling iyon,.
Diba noong elementary pa tayo,
kung saan wala pa tayong pakialam sa mundo ang saya-saya natin.
Gustong-gustong pumasok sa school, para magkaroon ng mga bagong gamit.
Bagong uniform, bag, sapatos, notebooks, lapis, at crayons.
Gusto nating maraming bago. Tapos, sasali sa mga school activities.
Pwedeng sa mga prince and princess tuwing february o
kaya ay sa UNO tuwing septembre.
Ayaw lumiban sa klase kahit na may sakit o kaya ay
umuulan baka kasi mapagalitan ng guro at hindi makahabol sa klase.
Sinong makakalimot sa mga exchange gifts tuwing pasko.
Palaging gustong makuha ang pinakamalaking
regalo kasi baka mas maganda ang laman.
Paano naman iyong mga larong gusto nating laruain noon?
Iyong chinese garter, may japanese game, slipper game,
habulan, luksong tinik, bahay kubo at taguan.
Ang mga tuksuhan at aminan ng mga crush...
kay sarap talagang alalahanin ng mga sandaling iyon ng ating buhay.
Lalo na noong graduation day,.
Ang iba natatakot na grumadweyt
kasi baka makalimutan na ng iba.
Iyong iba sa sobrang excitement
abril palang ay handa na ang gamit sa eskwela.
Tapos, ang pinakamasayang parte ng buhay estudyante
ay noong high school days.
Sa unangtaon kung saan nangangapa
pa ang lahat ay walang imikan
sa klase. May-maya pa ay
mag-uusap na. Na tila
wala pang bukas sa sobrang haba.
Sa ikalawang taon, may
grupo ng kinabibilangan,
Ang mga magaganda nasa grupo
ng mga magaganda at sosyal.
Iyong iba naman ay nasa grupo ng ga matatalino.
May grupo kung saan puro mababait lang.
At iyong grupong pangkista ang dating.
May sporty group din.
Sino bang makakalimot sa bigayan
ng love letters ng mga secret admirers?
Iyong mga pasimpleng panliligaw ng mga
kaklase at schoolmates.
Hayyy, lalo naman iyong aksidente
mong hangaan ang taong kinaaayawan mo?
Diba,? Akala mo kalaban mo
tapos mamahalin mo rin pala bigla.
Napaka-unpredictable talaga ng
hay skul life.
At ang mga munting tawanan at tuksuhan
na hindi pwedeng mawala sa usapang barkada.
Tapos ang iyakan tuwing malalamang
may ibang gusto ang taong gusto mo.
Isusumpa pa, ngunit mamahalin din pala sa lihim.
Tingnan mo nga naman.
Masaya ang pamamaalam
ng mga pusong nagkakaunawaan
pagkatapos ng graduation program.
May ngiti pa sa labi
ngunit luluha sa pag-uwi.
Nanghihinayang sa naudlot
na masayang lambingan
at relasyong sisimulan.
Sinisisis ang panahon sa
bilis ng pagtakbo nito. Ang gulo!
Busy ang lahat sa panibagong mundo,.
makakakilala ng mga bagong kaibigan
at magsisimula ng mga bagong samahan.
Nandoon parin ang mga pasimpleng
pagpapacute sa mga bagong schoolmates.
PERO sa college life nagsisimula
ang panibagong sakit ng iyong ulo.
Akala mo masaya palagi, pero
mapapatunayan mong mali ka.
Para kang susuong sa butas ng
pinakamaliit na karayom para makapasa
at makakuha ng gradong pinapangarap
ng isang estudyante.
Hahayy buhay nga naman.
May masayang sandali ngunit
hindi rin maikukubli ang lungkot
sa mga ngiti.......
Thursday, February 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment