Saan nga ba ako magsisimula? Habang nakatitig ko sa harap ng pinakamahal kong laptop computer wala akong maisip na bagong ideas sa isusulat kong kwento. Kaya hayon at bigla kong naalala ang kwento ng aking life. Sana hindi kau mabore sa mga kwento ko, kasi minsan ako na-bobore din.
Simulan natin sa simula… actually iyong naalala ko pa. I was in elementary back then… wala na kasi akong maalala sa preparatory days ko maliban nalang sa mga awards na nakuha ko noon na nakasbit sa ding-ding ng bahay naming dahil narin sa kagagawan ng nanay ko. Ng maisip ko na itanong sa kanya kung ano ang ginawa ko noon. Sabi niya salin pusa lang daw ako sa class ng pinsan ko. Ayaw kasi pumasok ng pinsan ko kapag hindi ako kasama. Ako ang youngest sa class kaya peborit daw ako na biruin ng mga classmates ko. Umiiyak daw ako pag-uwi ko. Pero kahit ako ang pinakabata bibong-bibo naman daw ako kaya like na like ako ng mga teachers ko and parents ng aking mga kaklase. Kaya naka-graduate na rin ako with flying colors kahit papaano. Opkurs marami din akong napagdaanan tulad ng ibang normal na bata. May nakakaaway, may mga kaibigan na kasangga sa bawat kalukuhan. Grade yata ako noon ng may nagtanong sa akin ng kung sino raw ang crush ko. Wala naman talaga akong crush dahil hindi naman ako pamilyar sa mga ganung bagay. Malay ko ba noon ang tanging alam ko lang noon ay magbasa ng kung anu-anong books at mag-draw ng mga paper dolls sa benpeyper (bondpaper). Pero dahil bata nga, ayokong mag-pahuli kaya itinuro ko ang isa sa mga classmates ko na nakalimutan ko na ang pangalan. So un na nga pinanindigan ko na na may crush ako sa batang iyon. Until grade 3 dahil talagang nag-ka-crush ako sa isa sa classmate ko na chink yang eyes. Edgar yata ang name ng guy na un. Na since elementary gtraduation ay hindi ko na uli nakita pa until now. Ewan ko if nasaan na siya ngayon. Siguro may asawa na siya. Hindi ko rin nabalitaan na nag-aral sihya ng college, nasa college narin kasi kami at iyong ibang friends ko noon.
And then, I spent my first year high in UCLM, pero napga-isip-isip ko mas gusto ko na mag-aral sa aisang public school. Kaya sa pajo nat. high ako nag-aral. Akala ko nga mali ang nagging desisyon ko na lumipat doon, pero hondi pala. Doon ko nakilala ang bestfriend ko na si Ann Mae. Transfer student din siya tulad ko from a private school. Noong una hindi naman kami close, nagging class president cya sa amin. Samantalang v-pres ako. Pretty kasi siya, charming and friendly kaya mas marami ang ang votes na nakuha niya. I don’t really mind kasi wala naman akong plano na maging president. Transfer ako doon at walang kakilala, mas gus2 ko na mapag-isa. Pero nag-end ang second year ko na marami ang friends. Last section kasi kammi and everyone thought na basta lastq section ay mga bobo na. We proved them wrong, dahil nagging maganda ang record ko, namin. We made a name.
Akala ko magiging classmates parin kami kahit na 3rd year na kami. Pero na-promote ako at napunta sa first section. Siguro dahil kahigt papaano ay malalaki ang grades ko. Nagging first honor pa nga ako sa buong second year maliban na lang sa first section. They have there own set of honors.
Doon ko rin naranasan ang sinasabi nilang teenage life. Ika nga nila hindi perfect ang hayskul layp mo if hindi mo maranasan ang ma-inlove. Actually I just realized it sa year end ng school year. Nag-ka-crush ako sa classmate ko na itinutukso ko pa sa seatmate ko. Akala ko kasi hanggang sa anime characters lang ako na-iinlove. Malay ko bang mataatmaan pala ako sa ungas na un. Ng dahil sa kanya natuto akong maging baliw… minsan… dahil sa kanya natuto akong manahimik sa isang tabi. I learned how to hide my feelings. Mas kumapal ang face ko. At natuto akong ma-inlove. I admit it. Cya ang 1st love ko yata. Nakakatawa nga eh, kasi kung kalian ko naisip na lumau na sa kania ng tuluyan noong last year ng skul ay saka naman sia lapit ng lapit. Kaya puso ko umasa saw ala. Kasi alam ko naman talaga na mai iba ciang gus2 at hindi ako un. Alam ko un, pinapaasa ko lang ang sarili ko.
Kaya nga ng graduate na kami ay bigla akong nalungkot pero masaaya na rin at the same time. I am happy coz malalau na ako sa kania. Makakalimutan ko na rin sia na talaga naman na gus2 kkong gawin kaso hindi ko maggawa dahil palagi ko cia nakikita sa skul. Sa loob ng dalawang taon magmula ng makagraduate ako ai 2 beses ko lang sia nakita uli. Magt-3rd year college na ako sa pasukan. And so far, masayya naman ako kahit wala sia. Later on na-realized ko na lang na wala na akong feelings sa kania. Cguro sa tagal ng hindi namin na hindi na uli nagkasama unti-unti ding nawala ang feelings ko sa kania. Mabuti un para sa akin… lalo na sa puso ko… ngaun pag-aaral ko nalang muna a ng aasikasuhin ko. Mai nahanap na kasi ako nab ago kong pangarap. I want 2 be a doctor at malau-lau pa ako sa pupuntahan ko.
Tuesday, May 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment